Pages

Thursday, November 13, 2014

Ban na naman sa Yemen. Anyare?


Nagrekomenda na naman ang konsul natin sa Yemen na i-ban ulit ang mga trabahanteng pinoy sa Yemen. Anyare?

poea-governing-board-bans-deployment-of-ofws-to-yemen

In raising the crisis alert level for Yemen, the DFA, in a letter to the POEA Governing Board, said that while the current situation in Sana’a, Yemen is relatively peaceful following the signing on 21 September of a UN-brokered Peace and Partnership Agreement between Houthi rebels and the Yemeni government, Houthi forces remain in Sana’a and have imposed their control on checkpoints and some government buildings.

Peaceful naman pala bakit kailangan pang pahirapan ang mga nagtratrabaho nating kababayan sa Yemen? Sabi pa sa balita:

In the country’s Crisis Alert Level System, Alert Level 3 is issued when violent disturbances or external aggression occur in a limited area and that Filipinos in this area are enjoined to return to the Philippines and the DOLE automatically imposes absolute deployment ban.

Eh lahat naman ng factors at players ngayon ay dati ng nandyan sa Yemen. Wala namang nabago o nadagdag. Minsan yung isang grupo ang nasa taas, minsan yung kabila naman. Malinaw rin na wala namng "violent or external aggression" na nangyayari sa buong Yemen. Ang gulo ay nakasentro lang sa Sana'a City at iyun ay panandalian lamang at walang kinalaman ang mga expats lalo na ang mga pinoy. Ni wala ngang nababalita na may naapektuhang pinoy sa nangyayari ngayon sa Yemen. Apektado lang ang mga pinoy sa sitwasyon dahil sa travel ban. Ang mga western expats nga sa Yemen ay binibigyan lang ng travel advisory ng kani kanilang mga bansa pero kung tutuusin ay sila ang higit na nasa panganib kumpara sa mga pinoy.

Isa lamang palang haka-haka ang ginawa ng ating konsul at ang kapalit noon ay kabuhayan ng ilan nating kababayan. Meron bang naaksidenteng pinoy o namatay na pinoy na may kaugnayan sa nangyayari ngayon sa Yemen? Wala ngang nadudukutan o nahoholdap na pinoy sa Yemen. Bakit dyan sa Saudi, taon-taon na lang ilang kababayan natin ang na-totorture, nare-rape, naloloko, napapatay at kung ano ano pa eh wala naman tayong nakikita na ginagawang rekomendasyon ang DFA? Hindi ba mas delikado sa ibang parte ng Mindanao na kung saan ilang sibilyan ang namamatay dahil sa bakbakan ng mga militar at terorista o rebelde?

Naaalala ko noong buwan ng Setyembre, may nakidnap na Intsik sa ating bansa kaya nag labas ng travel ban ang China para sa ating bansa.

killings-spurred-china-travel-ban

At least 13 Chinese nationals have been killed in the Philippines from January to Sept. 18 this year, a major factor in the decision of Beijing to issue an advisory against travel to its citizens.
According to an official of the Chinese Foreign Ministry, the increase in crime incidents that have resulted in deaths of Chinese nationals prompted the Sept. 12 travel advisory against the Philippines.

O, mas marami palang namatay na mga Intsik sa ating bayan kumpara doon sa namatay na mga Pilipino sa hospital sa Sana'a City noong Disyembre ng nakaraang taon dahil sa terorista bakit nagbaba ng travel ban ang ating bansa sa Yemen tapos umaaray sila ng magbaba rin ng travel ban ang Tsina sa ating bayan? Aba common sense lang 13 ang namatay sa kanila samanatalang 7 lang yata ang namatay na pinoy sa Sana'a City. Hindi pa kasama sa 13 Intsik na namatay yung mga kababayan nilang nakidnap at naholdap sa ating bayan.

Tapos ang ating DFA ay panay naman ang suyo sa China na alisin na travel ban. Bakit ganon? Sa Yemen na kung saan ang mga pinoy ay kumikita ng malaki at maayos na namumuhay o nagtratrabaho at marami sa kanila ay may 4 weeks (trabaho) / 4 weeks (bakasyon) na trabaho ay pinauuwi na dahil ina-assume ng konsulado na baka magkagulo.

Hamon ko sa DFA, ilabas nyo ang listahan ng mga manggagawang pinoy sa mga oil and gas facilities at iba pang kumpanya na nagprisintang umuwi dahil sa nangyayari ngayon sa Yemen. Huwag ninyong isama yung mga "TNT" na gustong makalibre ng pamasahe at bayad sa overstaying, sila naman palagi ang nagpapalista kaagad pag may evacuation dito sa Yemen at iba pang bansa di ba?. Puro lang yata mga overstaying na OFW at hospital workers sa Sana'a City ang nasa listahan ninyo.

pinoys-seek-repatriation-yemen-dole

Bakit noong nakaraang taon na kung saan ang ibang malalaking kumpanya ng langis mismo sa Yemen ang nagimbita sa ating mga opisyales ng DFA sa Yemen para makita nila ang tunay na sitwasyon ng mga kanilang manggagawang Pilipino ay kanilang tinanggihan. Ngayon nag rekomenda ulit sila ng travel ban ng walang konsultasyon sa mga mangagawang pinoy puro "assumption" lang. Hindi ba nila alam na ang mga oil and gas workers ay ligtas mula sa mga ganitong panganib mula pa noong nakaraang civil war ng North at South Yemen noong 1994? Kahit na noong nakaraang Arab Spring ay ligtas na nagtratrabaho ang mga pinoy sa loob ng mga oil and gas facilities. Ang mga manggagawang pinoy sa ganitong industriya ay protektado ng kanilang mga kumpanya at meron din silang evacuation o contingency plan. Hindi ba't nakauwi ng maayos ang mga oil and gas workers sa Libya, Syria at Iraq bago pa man tuluyang lumala ang sitwasyon. Bakit sa Afghanistan ay inalis ang ban sa mga pinoy na nagtratrabaho sa US bases? Bakit sa Yemen ay hindi magawa and ganitong exemption?

Sa mga opisyales ng DFA sa Yemen, lagi ninyong tatandaan na hindi laro laro lang ang paghahanap buhay ng mga OFW sa Yemen o kahit saan mang bansa. Bago kayo magdesisyon na makakaapekto sa kabuhayan ng OFW (na maaring ikahinto ng pag-aaral ng kanilang mga anak / pagkailit ng kanilang bahay o ari-arian / pagkamatay ng may sakit nilang mahal sa buhay at iba pa) ay suriin ninyo muna ng maigi ang sitwasyon at magiging epekto ng inyong haka-haka. Ano na lang ang iisipin ng mga kumpanya sa Yemen na kada ilang buwan ay magbababa ang ating bayan ng travel ban? Bakit hindi na lang travel advisory o travel warning katulad ng ibang bansa?

Nagawa na ba ninyo ang mga sumusunod kaya nag rekomenda na kayo ng travel ban?

- Inalam na ba ninyo kung meron bang "contingency plan" ang kani-kanilang kumpanyang pinapasukan.
- Buong bansa ba ng Yemen ay apektado o baka sa limitadong lugar ang ganitong sitwasyon.
- May direkta bang panganib sa mga manggagawang pinoy sa buong bansa ng Yemen.
- Gaano kayo kasegurado na tuluyang magkakagulo?
- Nagkaroon ba kayo ng interaksyon o binisita nyo na ba ang mga lugar kung nasan ang mga pinoy para makumpirma ninyo ang kanilang sitwasyon? O baka naman namasyal lang kayo sa mga "tourist spots?"

Sakali mang tuluyan ng magkagulo sa Yemen dapat lang na magtrabaho kayo at tanggapin ninyo ang sitwasyon dahil obligasyon ninyo na tumulong sa mga kababayan ninyo. Lumalabas kasi ngayon na para maiwasan ninyo na magkaroon ng mabigat na trabaho kung saka-sakaling magkagulo ay sisikilin ninyo ang kalayaan ng mga OFW. Sino kayo para mag desisyon para sa kapakanan ng mga OFW kung wala naman namang kayong maibibigay na alternatibong kabuhayan sa ating bayan?

Sa mga taga DFA, subukan ninyong sagutin ang mga ito:

- Naranasan ninyo na ba pumila sa aplayan ng trabaho sa abroad?
- Naranasan ninyo na bang mag-aplay ng trabaho sa atin gayong liyebo kuwarenta o singkwenta ka na?
- Naranasan ninyo na bang biglang mawalan ng trabaho?
- Naranasan ninyo na bang mahinto sa pag-aaral ang inyong mga anak dahil sa biglaang pagkawala ng trabaho?
- Naranasan ninyo na bang mahingan ng katakot-takot na dokumento para lang makautang o makahingi ng benepisyo sa OWWA?

 Panghuli, sana ay matupad ang nakasulat dito at nang mabawasan ang mga proseso natin sa POEA:

exit-permits--unconstitutional

We may be in fact the only country which has a de facto class discrimination system in place in our airports: counters for OFWs, where they are required to show their exit clearances, or else they won’t be allowed to leave.


Eto pa. Nakapangingilabot o nakakabuwisit isipin!

That the freedom to travel is a fundamental right under a democratic system is emphasized by the fact that it is curtailed only mostly in authoritarian governments, such as the People’s Republic of China for most of the last century, the former USSR, Cuba, North Korea and Myanmar.


21 November

Nabasa na ba ninyo ang balita na ang Pilipinas ay pang sampu sa may pinakamaraming namatayan dahil sa terorista. Basahin ninyo ito: study-terrorism-related-deaths-in-ph-more-than-doubled-in-2013

Screengrab from http://www.visionofhumanity.org

Lamang ang ating bansa ng isang puwesto sa Yemen na pang siyam. Ano kaya ang gagawin ng ating gobyerno kung pagbawalan din ng ibang bansa ang kanilang mga mamamayan na magbyahe sa Pilipinas? Paano kung gamitin din ng ibang bansa ang panuntunan na ginagamit ng Pilipinas para magbaba ora-orada ng travel ban sa mga bansa na kung saan meron nagtratrabahong mga pinoy? Iiyak ang ating gobyerno di ba? Maaaring bumagsak ang ating ekonomiya di ba? Huwag ninyo sabihin na sa Mindanao lang nangyari ang mga patayan na ito, paano yung mga ibang lahi na nakidnap, napatay o napagnakawan sa Luzon o Maynila?

Kaya isip-isip din pag may time mga taga DFA!




2 comments:

  1. yemen is a shithole. it is dangerous as the rest o middle east is. backward turds, i wish i could feed them dinuguan buhahahah!

    ReplyDelete
    Replies
    1. It seems you had a "not-so-ideal" experience in the middle-east especially in Yemen. I stated "had" or in past tense because I expect that you have left this place you called dangerous or shithole or else you are just plain _____ if you are still in this place. Pardon my words since I myself won't be stupid enough to stay in a place I treat as shithole. I However, I found the middle-east unique especially Yemen due to its rich history and cultural heritage. Yes, there are some violent events in some part of Yemen or middle-east but it doesn't mean that I could be safe in my country either; my two kids have been robbed and threatened several times in Manila while I have been robbed in Bangkok City twice and almost lost my money to a pickpocket in Kuala Lumpur. These untoward events have never occurred to me while strolling the streets of Sana'a, Jeddah, Doha, Abu Dhabi and Dubai even in the wee hours .

      Delete