Pages

Tuesday, November 24, 2015

Isa ka bang Balik Manggagawa sa Non-Compliant Countries?

Mahigit 7 buwan na ang nakakaraan ng umuwi ako mula sa aking trabaho sa Yemen. Hindi na ako nakabalik dahil nagsimulang bombahin ang Yemen ng koalisyon isang linggo matapos akong umuwi para sa aking buwanang bakasyon.

Noong nakaraang buwan ng Hunyo ay tinawagan ako ng dati kong kumpanya at inalok ako ng kontrata sa Chad, Africa. Aking tinanggap ang alok dahil maganda naman ang sahod bukod pa sa 28/28 job rotation.

Dahil sa dati ko itong kumpanya ay dumulog ako sa Balik Manggagawa sa POEA para makakuha ng OEC o "Overseas Employment Certificate." Aking napagalaman na ang bansang Chad pala ay isa sa mga "non-compliant countries." Hindi pinapayagan na magtrabaho ang isang OFW sa mga non-compliant countries dahil sa kakulangan ng mga bansang ito ng mga legal protection o batas na magproprotekta sa mga foreign workers. Pero meron namang exemption sabi ng POEA, ang mga multi-national companies ay puede pa rin daw mag hire ng mga OFW. Mabuti na lamang at isang multi-national company ang aking employer.

Sa POEA Balik Manggagawa main office lamang makakakuha ng clearance ang mga nagtratrabaho sa mga non-compliant countries bago sila mabigyan ng OEC. Binigyan ako ng BM supervisor ng listahan ng mga dapat i-submit para makakuha ng clearance.

Una sa listahan ay ang paggawa ng sulat na naka-address kay Nini Lanto, Director ng Pre-Employment Services. Kailangang ipaliwanag ng aplikante kung bakit kailangan niyang magtrabaho as isang non-compliant na bansa.

Pangalawa ay "Company Profile." Karaniwan ito ay maaaring ma-download sa company website.

Pangatlo ay work visa. Karaniwan ay short o single-entry visa lamang ang itinatatak sa ating pasaporte upang mapabilis ang ating pag-alis katulad ng nangyari sa akin, nabigyan lamang ako ng 90 araw na long-entry visa. Kaya humingi ang BM ng "Letter of Guarantee" mula sa aking kumpanya na nagsasaad na ang aking work visa ay kanilang lalakarin pagdating ko sa bansang Chad.

Pangapat sa listahan ay mga kopya ng dokumento mula sa company tulad ng kontrata, work visa, insurance, plane ticket at iba pa.

Bukod sa mga nakasaad sa listahan ay nagdagdag pa ako ng 'Certificate of Re-Hire" mula sa aming kumpanya para katunayan na ako ay dati nilang manggagawa.

Kapag nakumpleto mo na ang mga nasa listahan, kasama and BM data sheet, ay kailangan mong i-submit ang mga ito sa POEA Balik Manggagawa window 8 o sa kanilang supervisor.

Kung kumpleto na lahat ng dokumento ay bibigyan ka ng BM supervisor ng numero na maaari mong tawagan para mag follow up ng iyong clearance. Karaniwan ay 3 working days bago ma-release ang clearance. Sa iyong pagbalik ay ipaalam mo sa security staff as labas ng opisina ng BM ang iyong pakay para mahanap niya as loob ang iyong clearance.

Sample clearance

Kapag na-release na ang iyong clearance ay maaari ng i-process ng BM and iyong OEC sa araw ding na yun.

Ang clearance ay may bisa lamang ng 3 buwan. Para sa aming mga may job rotation ng 28/28 days ay kailangan naming ulitin ang proseso sa paghingi ng clearance pagkatapos ng 3 buwan para makakuha muli ng OEC. Kaya importante na magkaroon kaagad ng kopya ng clearance kapag lumabas na ito para hindi na mahirap sa susunod na clearance application kung may naka-attach ng lumang kopya.

Pero sa mga matagal ang kontrata, sa inyong pagbakasyon ay lakarin ninyo agad ang bago ninyong clearance lalo na kung natapat na maraming holiday sa panahon ng inyong bakasyon.




No comments:

Post a Comment