Saturday, November 12, 2016

Buhay OFW - Change is coming - Balik Manggagawa, POEA Main Office


Ang picture po sa itaas ay kuha sa araw ng Biyernes, Nov 11, 2016 sa oras na 11:30 ng umaga.

Sa mga nakaranas ng magproseso ng kanilang OEC sa POEA, maaaring hindi kayo maniwala sa picture dahil batid natin na ilang libong OFW ang nag pupunta rito araw araw para ayusin ang kanilang mga OEC o Overseas Employment Certificate.  At sa ganitong araw at oras ay punong puno ng mga OEC applicant ang lahat ng counters ng Balik Manggagawa sa POEA Main Office. Pagsapit naman ng panahon ng kapaskuhan at summer vacation ay lalong kasumpa sumpa ang pagkuha ng OEC dahil umaabot minsan hanggang sa labas ng building ang pila ng mga aplikante.

Ilang presidente na at ilang adminstrasyon ang nagdaan pero hindi nila nagawan ng paraan na resolbahin ang matagal ng problema ng mga balik manggagawa na OFW.

Sa loob lamang ng ilang buwan na pagkakaluklok kay Duterte at sa pagkukusa ni Ginoong Greco Belgica ay natanggal na rin ang isa sa mga matagal ng nagpapahirap sa mga nagbabakasyong OFW. Ngayon ay exempted na sa OEC ang mga OFW na may valid working visa at babalik sa kanilang mga trabaho abroad.

Dangan nga lamang at kaming mga nagtratrabaho sa mga non-compliant countries ay patuloy pa rin sa pag proseso ng aming OEC sa kabila na may roon din kaming valid working visa at babalik din sa aming mga trabaho. Gayunpaman, ang 3 oras na proseso dati ay natapos ko ng wala pang 10 minuto. Bukod sa aming mga nagtratrabaho sa non-compliant countries,  mga bagong aalis na OFW at mga nagpalit ng amo ay kailangan pa rin kumuha ng OEC.

Isama na natin ang mabilisang pagkamatay ng tanim bala sa ating mga paliparan, exclusive for OFW entrance sa airport, direktang tulong pinansyal at pagpapauwi sa mga OFW na naaapektuhan ng oil crisis sa Saudi, planong 10 taon na validity ng passport, planong pagtatayo ng OFW bank, planong pagtatayo ng isang departamento para sa ating mga OFW at pagiging aktibo ng mga labor officers natin sa iba't-ibang bansa at iba pang pagbabago tulad ng pagbaba ng kriminalidad sa aming lugar - ilang beses na rin na holdup ang aking mga anak - ay maari na nating sabihin na tunay nga na "change is coming" hindi lamang sa ating bansa kundi para na rin sa aming mga OFW.

Update: 16 Nov 2016

11:45 AM - 16 Nov

Pagkatapos ng 3 working days ay lumabas na ang OEC clearance ko kaya na proseso ko na ang aking OEC. Muli, wala pang 10 minuto ay natapos ko na ang aking pakay sa POEA Main Office. Sa picture sa taas ay mapapansin na iilan na lamang na OFW ang naglalakad ng kanilang mga OEC.


No comments:

Post a Comment